Kahilingang Nais Maipanalangin

Opo, matatag naming sinasampalatayanan na ang siyang Jesus Cristo na nagpamalas noon ng mga himala dalawang libong taon na ang nakararaan ay may kakayahang gawin uli 'yun sa kapanahunan ngayon. Maari lamang pong sagutan ang form sa ibaba kung nais ninyong samahan namin kayo sa panalangin. Hinihiling din naming ipadala ninyo sa amin ang inyong patotoo sa oras na duminig ang Diyos.


Marcos 16:17-18

At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya; Mangagpapalabas sila ng mga demonio sa aking pangalan; mangagsasalita sila ng mga bagong wika; Sila'y magsisihawak ng ahas; at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makakasama sa kanila; ipapatong nila ang kanilang mga kamay sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.

 

Juan 14:12-14

Katotohanan, katotohanang, sinasabi ko sa inyo, Ang sa akin ay sumasampalataya, ay gagawin din naman niya ang mga gawang aking ginagawa; at lalong dakilang mga gawa kay sa rito ang gagawin niya; sapagka’t ako’y paroroon sa Ama. At ang anomang hingin inyong hingin sa aking pangalan, ay yaon ang aking gagawin, upang ang Ama ay lumuwalhati sa Anak. Kung kayo’y magsisihingi ng anoman sa pangalan ko, ay yaon ang aking gagawin.

 

I Pedro 2:24

Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy, upang, pagkamatay natin sa mga kasalanan, ay mangabuhay tayo sa katuwiran: na dahil sa kaniyang mga sugat ay nangagsisigaling kayo.

Form para sa Kahilingang Nais Maipanalangin


*Dapat Punan