Walang alinlangan, ang bautismo ay napakahalaga, subalit mahalaga pa ba kung
papaano
tayo nabautismuhan? Mayroon bang tamang bautismo, o uubra na ang kahit ano? Kung naniniwala kayo sa Biblia, kung gayo’y OO, may tamang bautismo nga.
Karamihan sa mga iglesya ay nagbabaustimo sa Pangalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo, subalit hindi ito tama ayon sa Biblia.
Sa Mga Gawa 19, may mga taong nananampalataya na kay Jesus Cristo, ngunit hindi pa natanggap ang Banal na Espiritu sa kanilang mga puso. Alam ng apostol Pablo ang tamang paraan para matanggap ang Banal na Espiritu, kaya tinanong niya sila, “Kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan?” At sinabi nila, “Sa bautismo ni Juan.” (Mga Gawa 19:3) Nakita ni Pablo na hindi sila nabautismuhan ayon sa utos ni Pedro sa Mga Gawa 2:38, kaya inatasan niya silang magpabautismong muli sa Pangalan ng Panginoong Jesus. Pagkatapos, gaya ng ipinangako, natanggap nila ang Espiritu Santo.
Kaya, bakit nagbautismo ang mga alagad sa Pangalan ni Jesus gayong si Jesus, Mismo, ang nagsabi sa kanila na magbautismo sa
Pangalan
(hindi “mga pangalan”) ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo? (Matt 28:19) Nagkamali ba sila? Hindi! Ginawa nila ‘yun ayon sa pagkakaatas sa kanila.
Habang binabasa mo ang artikulong ito, isipin mo ang iyong pangalan. Isa ka bang anak? Ang pangalan mo ba, ay “Anak”? Isa ka bang ina? Ang pangalan mo ba, ay “Ina”? Siyempre hindi, ang mga iyon ay pawang mga titulo. May tunay kang pangalan, at gayundin naman ang Diyos.
Narito ang sagot:
At walang ganoong bagay sa Biblia na gaya ng nabautismuhan ang sinuman kailanman sa pangalan ng Ama, Anak, Espiritu Santo; dahil sa walang ganoong bagay. Hindi pangalan ang Ama; at hindi pangalan ang Anak; at hindi pangalan ang Espiritu Santo; kundi ang Pangalan ng Ama, Anak, Espiritu Santo ay ang Panginoong Jesus Cristo.
Si Jesus Cristo ay ang Diyos! Siya ang Ama, ang Anak, at ang Espritu Santo.
Kung hinahanap mo ang Espiritu Santo at iniisip kung bakit kaya hindi pa ito ipinagkakaloob ng Panginoon sa iyo, kung gayo’y baka gusto mong itanong sa sarili mo ang gayunding katanungang itinanong ni Pablo, “Kung gayo’y sa ano ka binautismuhan?”
Mga Sanggunian
Mateo 28:19
Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan
sa pangalan
ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:
[Ano ang Pangalan ng Ama? Ang Pangalan ng Anak? Ang Pangalan ng Espiritu Santo?]
Marcos 16:16
Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
Juan 5:43
Naparito ako sa pangalan ng aking Ama,
at ayaw ninyo akong tanggapin: kung iba ang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, ay siya ninyong tatanggapin.
[Kung dumating Siya sa Pangalan ng Ama, kung gayo’y ano ang Kanyang Pangalan?]
Juan 10:30
Ako at ang Ama ay iisa.
Juan 12:45
At ang nakakita sa akin, ay nakakita doon sa nagsugo sa akin.
Juan 14:8-9
Sinabi sa kaniya ni Felipe, Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at sukat na ito sa amin.
Sinabi sa kaniya ni Jesus,
Malaon nang panahong ako’y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe?
ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama;
paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama?
Juan 20:27-28
Nang magkagayo’y sinabi niya kay Tomas,
idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.
Sumagot si Tomas, at sa kaniya’y sinabi,
Panginoon ko at Dios ko.
Mga Gawa 2:38-39
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa’t isa sa inyo
sa pangalan ni Jesucristo
sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.
Sapagka’t sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.
Mga Gawa 4:12
At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka’t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
Mga Gawa 8:12
Datapuwa’t nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa
pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake’t mga babae.
Mga Gawa 19:3-6
At sinabi niya, Kung gayo’y sa ano kayo binautismuhan? At sinabi nila, Sa bautismo ni Juan.
At sinabi ni Pablo, Nagbabautismo si Juan ng bautismo ng pagsisisi, na sinasabi sa bayan na sila’y magsisampalataya sa darating sa hulihan niya, sa makatuwid baga’y kay Jesus.
At nang kanilang marinig ito, ay nangapabautismo sila sa
pangalan ng Panginoong Jesus.
At nang maipatong na ni Pablo sa kanila ang kaniyang mga kamay, ay bumaba sa kanila ang Espiritu Santo; at sila’y nagsipagsalita ng mga wika, at nagsipanghula.
Mga Taga Efeso 4:5
Isang Panginoon, isang pananampalataya,
isang bautismo,
Mga Taga Colosas 3:17
At anomang inyong ginagawa, sa salita, o sa gawa, gawin ninyong lahat sa
pangalan ng Panginoong Jesus,
na nagpapasalamat kayo sa Dios sa pamamagitan niya.
I Juan 5:7
Sapagka’t may tatlo na nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo: at
ang tatlong ito ay isa.